Multa ng USS Guardian sa Tubbataha ‘di sapat

tubatahha

HINDI sasapat ang multa sa gubyernong US bilang danyos sa nasirang bahagi ng Tubbutaha reef sa pagsadsad ng isang barkong pandigma nito sa karagatan ng Sulu Sea malapit sa Palawan, ayon sa isang grupo ng mga maralita.

Noong Huwebes ng madaling araw, isang 1,300 toneladang US Navy Minsweeper ang sumadsad sa hilagang bahagi ng Tubbataha Reef, na liban sa pagiging isang UNESCO World Heritage Site ay nagsisilbi ring breeding ground ng mga isdang pinagmumulan ng pagkain at kabuhayan ng milyun-milyon nating kababayan sa paligid ng Sulu Sea.

Sa pagtaya ng Tubbataha Protected Area Management Board, dapat magmulta ang US ng halagang $300 o P12,000 kada metro kwadro sa nasirang bahagi ng Tubbataha reef.

Ayon naman sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), walang katumbas na halaga ang pinsalang dulot sa mamamayang Pilipino ng pagpasok ng mga tropang Kano at ng kanilang mga armas pandigma sa bansa.

“Simula pa ng malagdaan ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng US at ng Pilipinas noong 1951 na siyang nagpahintulot noon sa pagtatayo ng US military base sa bansa, hanggang sa kasalukuyan sa bisa ng Visiting Forces Agreement, hindi lang likas na yaman ang napeperwisyo ng paglabas-masok at mga military exercies ng tropang Kano sa bansa.

“Maraming kababaihang Pilipino na natin ang kanilang ginahasa, at higit sa lahat, niyuyurakan nito ang ating soberanya,” ani Gloria Arellano, Kadamay national chair.

“Ang pagtitiyak na napanatili ng US ang kontrol nito sa ekonomiya ng daigdig ang nagtutulak ditong magdeploy ng mga barkong pandigma sa iba’t ibang dako ng daigdig, at kasangkapanin ang iba’t ibang gubyerno ng mga bansa tulad ng Malacanang,” dagdag ni Arellano.

Ayon pa sa Kadamay, nangangamba rin silang magkaroon ng cover-up upang pagtakpan ang pinsalang dulot ng pagsadsad ng USS Guardian, habang tumatanggi ang US Navy na makialam sa isyu ang Philippine Navy maging ang lokal na awtoridad na siyang nangangasiwa sa proteksyon ng Tubbataha Reef.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply