Multi-million cash gifts sa mambabatas, pinaimbestigahan sa COA

miriam5

PORMAL nang hiniling ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa Commission on Audit (COA) na imbestigahan ang malawakang pang-aabuso sa paggamit ng salitang “savings at public purposes” sa Konstitusiyon na ginagamit na dahilan sa pamimigay na multi-milyong Christmas cash gifts sa mambabatas noong nakaraang Disyembre.

“This is to respectfully request a COA study, report, and recommendation on the reported widespread abuse of the constitutional word “savings,” and the constitutional phrase “public purposes,” as well as on my proposed internet upload of the total income (not merely the salary) and the discretionary funds of every high public officials,”  ayon kay Santiago sa kanyang liham kay COA Chairman Ma. Gracia Pulido-Tan.

Hiniling ni Santiago ang imbestigasyon matapos makipagtalo kay Senate President Juan Ponce Enrile sa distribusyon ng P1.6 milyong cash gifts bilang “additional MOOE” sa 18 senador na galing sa natipid na pondo ng Senado.

Kasama sina Senador Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Antonio Trillanes IV, nakakuha lamang si Santiago ng mas mababang P250,000 na kanyang isinauli kay Enrile.

Sa Mababang Kapulungan, inamin ni Speaker Feliciano Belmonte na namahagi siya ng tig-kalahating milyon sa bawat kongresista noong nakaraang Disyembre bilang Christmas Cash Gift.

Sa kanyang liham na may petsang January 10, 2013, sinabi ni Santiago na walang ibang dahilan sa kanyang kahilingan na makalikha ng potensiyal na panukala upang mabawasan ang korapsiyon, sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-abuso, at maipamahagi sa publiko ang dapat nilang malaman, sa kabuuang kita ng matataas na opisyal ng pamahalaan, hindi lamang ang sahod.

Sinabi ni Santiago na sa ilalim ng Article 6 ng Saligang Batas, nakasaad sa Section 25, paragraph 6 na pinapayagan ang lahat ng tatlong sangay ng pamahalaan kabilang ang hepe ng constitutional commissions na tugunan ang ilang item sa general appropriations law ng kani-kanilang tanggapan mula sa natipid na pondo sa ibang item sa kani-kanilang badyet.

“This raises several issues,” ayon kay Santiago.

Ikinatuwiran ni Santiago na inilista lamang ng Saligang Batas na natatangi ang pinakamataas na opisyal ng bansa ang awtorisado sa ganitong kapangyarihan.  “But why is this power also exercised by the head of apparently all government offices?”

“Should not COA enumerate what “savings” are valid, so as to prevent heads of offices from refusing to incur necessary expenses in order to produce ‘savings” that will be distributed among themselves at yearend?, “ tanong niya.

Kinuwestiyon din  ni Santiago ang pamamahagi ng Senado at Mababang Kapulungan ng multi-milyong “additional MOOE noong nakaraang taon na nagmistulang Christmas gift sa bawat mambabatas.

Hiniing din ni Santiago sa COA na ilantad sa pamamagitan ng internet ang lahat ng potensiyal na kita ng bawat presidente, bise-presidente, senador, kongresista, miyembro ng Gabinete, heneral at miyembro ng constitutional commission, hepe ng pambansang kawanihan at katulad na matataas na opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply