Nabingi sa kampana, tanod pumatay

crime-scene-chalk-mark

CAPIZ- Patay ang 18-anyos na binata matapos barilin ng tanod na nairita nang bigla niyang patunugin ang kampana sa Barangay Ibaca, bayan ng President Roxas.

Patay na nang madala sa Bailan District Hospital ang biktima na kinilalang si John Rey Vergara na nagtamo ng malaking sugat sa tiyan dahil sa pamamaril ng suspek na si Nelson Miani, 48-anyos, gamit ang isang homemade shotgun.

Lumabas sa imbestigasyon ng President Roxas Police Station na binaril ng suspek ang biktima dahil sa walang humpay nitong pagkalembang na lubhang nakabulahaw sa kanilang magkakapitbahay.

Kinompronta umano ng barangay tanod ang biktima na humantong sa pagtatalo hanggang sa barilin niya ang huli.

Nakapiit na ang suspek matapos sumuko sa mga awtoridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply