Nag-away sa lupa, ginang patay sa kapitbahay

crime5

TODAS ang isang ginang matapos saksakin ng kapitbahay na nakatalo ng una dahil sa awayan sa lupa sa Caloocan City Linggo ng hapon, Enero 20.

Dead on arrival sa Tala Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Celine Rebusta, 62 San Flower St., Tala ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Joven Tumaog, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat, alas-4 ng hapon, nakatao sa tindahan ang asawa ng biktima nang marinig na sumisigaw si Celine.

Pagpasok ng asawa sa loob ng bahay ay nakita ang biktima na duguan at nakahandusay na naging dahilan upang dalhin sa nasabing ospital.

Nabatid na bago ang insidente ay nakatalo ng biktima ang suspek dahil sa awayan sa lupa kung saan nagsabi pa ang huli na kaya nitong patayin ang una at asawa nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply