Nagkapikunan sa inuman: Helper dedo sa katrabaho

crime9

NAMATAY ang isang warehouse helper makaraang saksakin ng katrabaho nang magkapikunan sa inuman sa Pasay City, kaninang madaling araw.

Namatay noon din ang biktima na si Allan Clemente, nasa hustong gulang, tubong Santiago, Isabela at stay-in sa Promax warehouse na nasa No. 2242-B F.B Harrision St., ng naturang lungsod.

Si Clemente ay namatay dahil sa mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto naman ang suspek na si Mario Espiritu, 45, warehouse houseman at stay-in din sa naturang warehouse.

Sa report, naganap ang insidente dakong 1:25 ng madaling araw sa parking lot ng Promax warehouse nang magkaroon ng inuman ang mga trabahador.

Kasama ng suspek at biktima sa inuman ang katrabahong si Ernie Nicolas, 37, sa barracks.

Sa kalagitnaan ng kanilang masayang inuman, iniwanan ni Ernie ang dalawa na unti-unti nang nagkakapikunan dahil sa biruan.

Pagkalipas ng ilang minutong biruan, napikon ang suspek at dinampot ang patalim sa ilalim ng lamesa at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima.

Sumuko naman agad ang suspek sa mga opisyal ng barangay at dinala sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kasong homicide.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply