Nagsawa sa pananakit, ka-live-in sinaksak ng bebot

NAGDILIM ang paningin ng isang misis nang muling saktan ng kanyang ka-live-in at idinamay pa ang kanyang anak dahilan para saksakin ang huli sa Tinmabac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si William Lachica habang ang suspek ay si Charie Dedicatoria.

Sa imbestigasyon, lasing na dumating sa bahay ang biktima at agad na pinagbubugbog si Dedicatoria sa hindi malamang dahilan at idinamay pa ang kanyang 11-anyos na anak na si Jerimiah.

Sa galit ay kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak sa tiyan ang ka-live-in.

Agad namang inaresto si Dedicatoria.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply