Nainis sa pinanonood sa TV: Anak minartilyo ng ama

crime11

NAGKASUGAT-SUGAT ang isang anak makaraang martilyuhin ng kanyang ama dahil lamang sa away sa pinapanood na palabas sa TV sa Brgy. Alalasan, La Paz, Iloilo City.

Nabatid na nanonood ng TV ang biktima na si Andrew Guario, 22, kasama ang ama na si Rodolfo Guario nang biglang mag-away dahil sa hindi magkasundo sa istasyong panonoorin.

Bunsod nito ay minartilyo ni Rodolfo ang anak ng dalawang beses dahilan upang magtamo ng sugat ang biktima sa ulo at sa noo  na kasalukuyang ginagamot sa ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply