Nakabinbing mga panukala pagpupulungan

feliciano-belmonte1

MAGPUPULONG ang liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Sabado upang ihanay ang mga mahahalagang panukalang batas na kanilang tatalakayin sa nalalabing ilang linggo ng sesyon bago ang eleksyon.

Dalawang araw isasagawa ang pagpupulong bago ang pagbabalik ng sesyon sa Lunes (January 21) at pangungunahan ito nina House Speaker Feliciano Belmonte, Jr at Majority Leader Neptali Gonzales II kasama sina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate Majority Leader Vicente Sotto III Senador Gregorio Honasan.

Ipinaliwanag ni Belmonte na pangunahing agenda sa pulong ang posibleng pagtalakay sa mga nakabinbing panukalang batas sa Kamara at Senado na maaari nang maipasa at iba pa na nakabinbin ngunit maaaring aksyunan agad ng Kongreso.

Inaasahang matatalakay dito ang kahihinatnan ng Freedom of Information (FOI) bill, pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act, at ang Anti-Trust bill samantalang patuloy namang tinatalakay sa bicameral conference committee ang panukalang magbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng martial law.

Nagpahayag din ng pag-asa si Belmonte na magkakaroon ng quorum at mayorya ng mga kongresista ay dadalo ng sesyon sa plenaryo sa Lunes.

Ngunit upang masiguro ang korum, sinabi ni Belmonte  na maglulunsad ang liderato ng text at call brigade sa mga kongresista upang dumalo ang mga ito sa sesyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply