Nanay at misis, mga reyna ng sindikato sa opisina ni hepe

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

ANO ba naman itong si hepe, naturingang bosyo sa isang ahensiya ng gobyerno, wala namang ginawa kundi palakasin ang sindikato sa kanyang bakuran?

Dati-rati, mga kaibigan lang niya ang nakikialam sa palakad ng opisina, pero ngayon, mas naging mabangis.

Ang balita natin, ang nanay at ang misis ni boss ang nagmimistulang another bosses.

Ayon sa impormasyon, si nanay na ang kinakausap ng mga gustong magnegosyo sa opisina ng kanyang anak.

Sa isang banda, si misis naman ay abalang-abala sa paghuthot sa mga nakikinabang sa ahensiya ni hepe.

Ang mga babaeng ito ay parang mga matitinik na bulaklak kaya ang tanggapan ni hepe ang itinuturing ngayon na pinakasalaulang ahensiya ng pamahalaan.

Baboy si anak, baboy si misis at reyna ng baboy si nanay.

Si Chief ay madaling makilala, madalas itong kumakanta sa mga bar at nangangarap sanang maging senador pero inawat nina misis at nanay dahil mas malaki ang kikitain nila kung mananatili sa puwesto hanggang 2016 kaysa gumastos sa kampanya.

Chief Sonbya, hayup naman sa kapal ng mukha ang mga babae sa buhay mo!

Isa pang dating santong heneral ang nagkaroon na ng tatlong sungay mula nang mapuwesto.

Pati ang mga dati niyang mistah ay nagugulat  sa inaasal ni heneral dahil nilamon na ng sistema ang  maprinsipyong kawal.

General Mil, tigilan mo na ‘yang pagnanakaw sa ahensiya mo, konting hiya naman!

***

Matindi ang laban sa local politics sa Pasay City.

Maraming dapat mabago sa lungsod na kailangang mapagtuonan ng pansin ni Mayor
Tony Calixto.

Kung gustong makabalik sa puwesto ni Mayor,  dapat naman ay mabigyang-pansin na niya ang grabeng problema sa trapik, basura , drug addiction, drug pushing at prostitusyon.

***

Total gun ba ang sagot para makontrol ang paggamit ng baril  tuwing Holiday season?

Dapat magbukas ng bagong kabanata sa ating bansa ang pagkamatay ng pitong taong gulang na si Stephanie Nicole Ella na tinamaan ng ligaw na bala noong gabi ng Bagong Taon.

Tuldukan na natin ang kawalanghiyaan ng mga trigger-happy upang hindi na masundan si Nicole.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply