Narekober na IED ikinasa sa Kidapawan City jailbreak

crazy

KUTOB ng awtoridad na ang natagpuang dalawang improvised explosive device (IED) sa Kidapawan City ay bahagi ng plano na itakas ang high profile inmates dito.

Hindi naman pinangalanan ni Supt. Joseph Samillano, Kidapawan City police director, ang mga presong target ng posibleng jailbreak pero aniya maraming bilang ng preso rito ay mga prominenteng preso.

Ang Kidapawan City Jail ay nasa likod lamang ng Kidapawan City Hall at gilid ng Kidapawan City police office.

Una rito, dalawang IEDs mula sa 60mm mortar ang narekober sa cyclone wire na bakod ng city police compound na agad pinasabog kahapon din.

Naniniwala si Samillano na ang pinakamalapit na dahilan kaya tinaniman ng IED ay para mawasak ang ang entrada  ng nasabing piitan at makatakas ang mga preso.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente habang inatasan naman ng opisyal ang lahat na mga pulis na maging doble alerto sa posibilidad ng pag-atake ng mga lawless groups.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply