NASAAN ANG IBANG DONASYON NG PNP SA PABLO VICTIMS?

lily's-files-lily-reyes

NAGTATAKA ang mahigit sa 150,000 kawani ng Philippine National Police (PNP) kung bakit  P7.5 milyon lang  daw ang idineklarang donasyon  ni PNP Chief, Dir. Gen. Alan Purisima sa mga biktima ng bagyong Pablo.

Ayon sa mga nakausap nating pulis, mahigit sa 150,000 ang ating mga kapulisan sa buong bansa.

Ang dati nilang tinatanggap na tig-P10,000 bilang pamasko ay naging P5,000 na lang dahil  ‘yung  P5,000 umano ay ibibigay sa mga nabiktima ni Pablo.

Ganun kagalante ang ating mga kapulisan, ha.

Biruin mo nga naman na bawat isa sa kanila ay  nagbigay ng donasyon na tig- P5,000 sa mga nabiktima ng bagyong Pablo.

Ilagay na lang natin sa  150,000 ang bilang ng ating kapulisan.

Sa tig-P5,000 bawat isa ay pumapatak na nakalikom ang PNP ng humigit kumulang sa P750 milyon.

Ang ipinagtataka ng ating mga kapulisan ay kung bakit P7.5 lang ang idineklara ng ating magiting na PNP Chief.

Saan napunta ‘yung  P742,500,000?

Napakalaking halaga ng  perang natira, kaninong bulsa kaya napunta at kung sino-sino kaya ang mga nakinabang dito?

Kung totoo ang sinasabing ito ng ating mga kapulisan, Ito ay maliwanag na panggagamit sa mga biktima ng bagyong Pablo para sa pansariling kapakanan at interes ng mga opisyal at pamahalaan na nasa likod ng donasyon na ito.

Hindi naman kaya nagkamali lang itong si PNP Chief nang sabihin niya sa media na P7.5 milyon ang  donasyon ng PNP sa mga biktima ng bagyong Pablo sa halip na P750 milyon?

Pangulong Noynoy, ito ba ang  tuwid na daan na sinasabi mo?

Anong klaseng opisyal ng PNP mayroon ang inyong administrasyon?

At para naman sa ating mga pulis, kung sa palagay ninyo ay naisahan kayo, aba eh dapat ay magreklamo kayo.

Karapatan ninyong mga pulis  at ng publiko na malaman  ang katotohanan kung  ano ang nangyari sa perang donasyon ng PNP.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 09155683000  at  09087230036  o kaya ay mag email lang sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply