Nasagip na buwaya sa Sulu inilipat sa QC

sagip-buwaya-2

INILIPAT na kaninang umaga sa kanyang pansamantalang bahay ang buwayang nahuli sa Sulu sa Wildlife Rescue Center ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City.

Ayon kay Environment Secretary Ramon Paje, ang naturang buwaya (isang saltwater crocodile o Crocodulus porosus) ay aksidenteng nahuli ng mangingisda sa bayan ng Indangan Jolo, Sulu nitong nakalipas na Nobyembre 16, 2012.

Sinabi ni Paje na dahil sa tulong ng Philippine Air Force at Philippine Navy ng AFP ay ligtas na nailipat ang naturang buwaya mula sa Mindanao patungong Wildlife Rescue Center sa Quezon City.

Nabatid kay Director Theresa Mundita Lim ng Protected Areas and Wildlife Bureau nitong nakalipas na Disyembre 22, 2012 ay isinakay ang may apat na metrong habang buwaya sa barko ng Philippine Navy patungong Villamor Airbase sa Pasay City.

Kasalukuyang sumasailalim sa masusing pagsusuri ang naturang buwaya sa PAWB.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply