Nasirang sistemang irigasyon, aayusin agad ng DA – NIA

hilda-online-logo

MAY sapat na suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng kasiraang idnulot ng malakas na bagyong Pablo gayundin ang agriculture at fishery sector na nagrehistro ng positibong pagtaas para sa 4th quarter at sa kabuuan ng 2012. Ito ang siniguro ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa publiko. Sinabi niya na ang kalamidad kamakailan lamang ay di tuwirang maka-aapekto sa pagkabuuang food and rice supply.

Sa nakaraang meeting ng DA Davao Regional officials sa pangunguna ni Direktor Constacio Maghanoy Jr., nag-utos si kalihim Alcala sa kanila na pabilisin ang delivery services gayundin ang mga probinsya sa paraang dapat gawin, upang ang mga apektadong magsasaka at mangingisda ay makabangon at makapagsimula kaagad sa paghahanap-buhay.

Kaagad namang aayusin ng DA’s National Irrigation Administration (NIA) Administrator Antonio Nangel ang mga nasirang sistemang irigasyon sa 4 na rehiyon sa pangunguna ng Davao (P812 milyon), CARAGA (302 milyon), Region 12 (49 milyon) at ARMM (4.5 milyon). Para sa kanyang bahagi ang DA – Bureau of fisheries and aquatic resources (BFAR) ay nagpakalat ng 2 sa kanyang MCS patrol vessels na minanduhan ng Philippine Coast guard personnel upang tumulong sa rescue at retrieval operations.

Ang ahensya ay nagbigay din sa mga apektadong fish farmers ng milyong bangus fingerlings at bamboo poles para magamit na panggawa sa mga nasirang fish pens at 1,250 packs ng relief goods (rice, sardines) na nagkakahalaga ng P9.3 milyon. Bilang pangwakas sinabi pa ni kalihim Alcala na ang DA’s national food authority (NFA) ay magpapahiram sa mga apektadong local government units (LGU) na pautang na bigas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply