NAUNA NA NAMAN SILA SA ‘BILL CLINTON’S RULE’

trending-ngayon-sonny-angara

IPINALIWANAG ni Alfred S. Regnery sa isinulat niyang artikulo para sa Breitbart.com kung ano ang “Bill Clinton’s rule.”

Ayon kay Regnery, nang maging isyu ang Swift Boat scandal sa 2004 United States presidential elections, agad na tinawagan ni Clinton si John Kerry – ang kandidato ng kanilang Democratic Party.

Mababasa naman sa ibang online resources ang tungkol sa Swift Boat scandal.

Ang Swift Boat ay isang klase ng US Navy vessel na ginamit sa Vietnam war.

Sa pangangampanya ni Kerry, ibinibida niya ang kanyang kabayanihan bilang isang Swift Boat commander sa Vietnam.

Malaking parte ito ng kanyang naratibo para makahatak ng maraming botante.

Pero may mga Vietnam veteran, na nagsilbing mga commander at tauhan ng mga Swift Boat, ang nagtayo ng organisasyong Swift Boat Veterans for Truth (na naging Swift Vets and POWs for Truth o SVPT kinalaunan).

Naging misyon ng SVPT na pasinungalingan ang military record na ipinagmamalaki ni Kerry at palitawin ang kanyang kontradiksyon sa anti-war activities niya.

Sa unang senyal ng panganib para sa minamanok ng Democratic Party, alam ng political savvy na si Clinton na kailangan na niyang pagsabihan si Kerry.

Matutunghayan sa artikulo ni Regnery ang naging payo ni Clinton sa nabulilyasong si Kerry: “If you are the issue in a campaign,” ang sabi ni Clinton kay Kerry, “you’ll lose.

And right now you are the issue. Fix it.”

Hindi naplantsa ni Kerry ang gusot.

Ibinunyag ni Regnery sa kanyang isinulat na parang naisapuso ni Barack Obama ang Clinton’s rule.

Sa kasagsagan ng kampanya para sa 2008 US presidential elections, naringgan si Obama na nagsabi diumano nito:

“Kung wala kang record na maipagmamalaki, bakbakan mo na lang ang iyong katunggali para hindi na isipin pa ng mga botante kung ano talaga ang nagawa mo.”

Kung pagbabatayan ang mga nangyayari sa pulitika ngayong election season sa ating bansa, lalabas na may gumagamit na pala sa maruming taktika ni 42nd President.

Nauna na naman sila.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply