NBI duda na shootout ang naganap sa Atimonan

NBI

DUDA o hindi naniniwala ang National Bureau of Investigation sa umano’y naganap na shootout sa Atimonan, Quezon na ikinamatay ng 13 katao.

Ayon kay NBI Deputy Director for Regional Operations Virgilio Mendez, overkill ang nangyari sa pagkakabaril sa mga napatay.

Taliwas din, aniya, sa naging testimonya ng mga testigo na hindi naman idinitalye ang pahayag ng mga ito na shootout ang nangyari.

Sinabi ni Mendez na patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon at inaasahang matatapos ito bago mag- Biyernes at maisusumite na ang buong report at rekomendasyon.

Ayon pa kay Mendez, pagtitibayin din ng kanilang imbestigayson ang resulta ng medico-legal.

Sa ngayon, blangko pa rin ang NBI sa motibo ng pamamaril dahil nakasentro ang kanilang imbestiagsyon sa “whether the killing was justified or not.”

Samantala, hindi naman nagbigay si Mendez ng reaksyon sa umanoy itinamin o ginalaw na ebidensya sa crime scene dahil, aniya, wala pa silang basehan sa akusasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply