NBI pasok na sa Atimonan, Quezon shootout

atimonan

TUTULONG na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa naganap na engkuwentro sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13 katao kabilang ang tatlong pulis.

Ayon kay NBI Death Investigation Division (DID) executive officer Atty. Danielito Lalusis,  nagtungo na ang mga tauhan ng NBI-Quezon sa Atimonan na pinagyarihan ng insidente  upang magsagawa ng parallel investigation.

Matatandaan na 13 katao ang napatay kabilang ang tatlong pulis sa lugar matapos magkaroon ng checkpoint.

Sinasabing isang suspek ang nagpaputok sa isang pulis kaya naman gumanti na rin ng putok ang mga awtoridad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply