NCRPO handa na sa Pista ng Itim na Nazareno

leonardo-espina

HANDA na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa inilatag na seguridad hinggil sa darating na piyesta ng Black Nazarene sa Quiapo gayundin sa gaganaping prusisyon sa darating na Miyerkules Enero 9.

Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Leonardo Espina, inaasahan nilang aabot sa 11 milyong deboto ang pupunta o makikilahok sa gaganapin prusisyon sa nasabing lugar.

Batay sa natanggap na ulat ni Espina mula sa mga organizer na mas malaki ito kumpara sa 9.6 milyong deboto na nakiisa sa prusisyon noong nakaraang taon.

“Inaasahan namin na dadagsa ang mga deboto sa araw ng kapistahan kaya’t kahapon po ay inatasan ko na ang district director ng MPD na makipag-ugnayan ito sa mga namamahala sa gagawin prusisyon” ani ni Espina.

Ayon kay Espina, nasa 10,000 pulis ang kanilang ikakalat upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa buong ruta ng prusisyon.

Sinabi pa ni Espina magsasagawa muna ng “full dress rehearsal” ang libu-libong mga pulis na itatalaga habang pinalakas na rin ang “inter-agency coordination.”

Sa ngayon ay wala naman natatanggap na banta sa seguridad ang pulisya kaugnay sa Feast of the Black Nazarene.

Inilathala na rin ni Espina ang magiging schedule ng mga aktibidad sa traslacion ng Black Nazarene sa Enero 9 araw ng Miyerkules.

Sa Enero 7 prusisyon ng lahat ng replica ng Black Nazarene na mag-uumpisa ng alas-3:00 ng hapon.

Enero 8 alas-1:00 ng hapon – pahalik sa imahen, 7:00 ng gabi – Vigil sa Quirino Grandstand sa Maynila

Enero 9 alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 madaling araw magkakaroon ng Vigil at dakong alas-6:00 ng umaga magkakaroon ng Banal na Misa, na pangungunahan ng Kanyang Kabunyian, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Nabatid na ang traslacion ay ang 406-taong panata at tradisyon ng mga Katolikong Pilipino sa Black Nazarene.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply