NDRRMC nakaalerto sa mga biyahero mula sa mga probinsya

NAKAALERTO pa rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa pagbabalik ng mga nagsiuwi sa mga probinsya nitong nakalipas na holiday season.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, nagsimula nang dumagsa pabalik ng Maynila ang mga nagbakasyon simula pa kagabi.

Sinabi rin ni Ramos na nakahanda ang Philippine National Police (PNP) at Department of Transportation and Communications (DOTC) para tiyakin ang seguridad at alalayan ang mga babalik na bakasyunista.

Sinabi ni Ramos na ipapatupad pa rin ang mahigpit na security measures sa mga bus terminals, airports at mga daungan.

Ngayong araw ay balik trabaho na ang mga empleyado habang balik eskuwela na rin bukas (Enero 3) ang mga estudyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply