Negosyante itinumba sa Laoag City

crime5

LAOAG CITY – Dead on arrival sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Pila.

Ang biktima na may apat na tama ng bala ng .45 pistol ay kinilalang si Jonathan Antonio, ng Ermita, nasabing lalawigan.

Sa paunang imbestigasyon, nakatayo ang biktima, na konektado sa buy and sell ng sasakyan sa isang shop nang biglang hintuan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sakay niratrat.

Nakuha sa lugar ng insidente ang ilang piraso ng empty shells ng .45 pistol.

Tinitingnan ngayon ng Laoag City police ang anggulong konektado sa negosyo ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply