Negosyante, patay sa holdaper

bangkay

PATAY ang isang 50 anyos na negosyante matapos itong barilin ng dalawang di nakilalang suspek nang tumanggi itong ibigay ang kanyang bag at gintong bracelet sa Paco, Maynila .

Kinilala ni PO3 Alonzo Layugan, imbestigador ng manila Police District-Homicide Section,  ang biktima na si Jose Anda, ng 671 Pedro Gil St., Paco, Maynila.

Sa report ni Layugan, nagtungo sa himpilan ang asawa ng biktima kagabi upang ireport  ang naganap na pamamaril ng mga suspek sa kanyang asawa.

Nabatid na nakatayo lamang sa lugar ang biktima nang lapitan ito ng dalawang suspek na armado ng di mabatid na baril ang isa sa kanila.

Pilit umanong kinukuha ng suspek ang dalang bag ng biktima at gintong bracelet nito na nagkakahalaga ng P21,000 ngunit tumanggi ang huli na ibigay ito.

Bunsod nito, nagalit ang isa sa suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Isinugod pa sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply