Negosyante sinaksak, patay

bangkay

PINASOK sa loob ng bahay bago pinagsasaksak ng hindi pa kilalang suspek ang isang may-ari ng catering sa Caloocan City kaninang madaling araw, Enero 5.

Patay na nang makita ang biktimang si Edgardo Samagaysay, 48, ng GSIS Village ng lungsod sanhi ng mga saksak sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw, nagbalikan ang mga tauhan ng biktima matapos ang trabaho sa Camp Aguinaldo, Quezon City at laking gulat nang madatnan ang amo na duguang nakahandusay sa loob ng bahay.

Itinawag agadng mga empleyado sa mga pulis ang pangyayari kung saan inaalam na kung may nawalang bagay sa loob ng bahay ng biktima.

Inaalam na rin ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply