Negros Occidental niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

phivolcs

INUGA ng magnitude 5.0 na lindol ang ilang bahagi ng Negros Occidental kagabi na nagdulot ng takot sa mga residente doon.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol sa layong 51 kilometers Timog-kanluran ng Sipalay.

Batay sa ulat ng Phivolcs may lalim na 20 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Kaugnay nito, naramdaman ang Intensity III sa Sipalay at Bago City habang Intensity II naman ang naramdaman sa Iloilo City.

Samantala, ilang sandali matapos ang pag-uga, muling nakadama ng pagyanig ang parehong lugar.

Bandang alas-9:13 kagabi nang maramdaman muli sa Sipalay ang magnitude 4.1 na lindol, at isang magnitude 3.7 na lindol naman bandang alas-9:40 kagabi.

Sa bayan ng Hinoba-an, naulit ang pagyanig bandang 9:33 ng gabi at naramdaman ang magnitude 3.5 na lindol.

Wala namang iniulat na nasugatan o napinsalang ari-arian sa mga naturang pagyanig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply