Nene na tinamaan ng ligaw na bala, pumanaw na

life-line-dead

TULUYAN nang binawian ng buhay ang 7-anyos na nene na si Stephanie Nicole Ella na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo sa Caloocan City noong kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Dr. Emmanuel Bueno ng East Avenue Medical Center, makalipas ang walong cardiac arrest na nagsimula kaninang umaga, hindi na nakayanan pang sagipin ang buhay ng bata.

Isinugod si Stephanie sa naturang ospital makaraang tamaan ng stray bullet habang nanonood ng fireworks display sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

“Kanina pong alas-2:26 ng hapon, matapos ang walong cardiac arrest ay hindi na po siya nakarekober,” ayon kay Bueno

Matatandaang unang inanunsyo ng doctor na umaasa na lamang umano sa respirator para sa kanyang paghinga ang pasyente dahil sa “very critical” na kondisyon nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply