New Year babies, umabot sa 10

KASABAY ng paghihiwalay ng taon at pagsalubong ng 2013, 10 sanggol naman ang isinilang sa Fabella Memorial Hospital sa Maynila.

Eksakto alas 12:00 ng hating gabi nang isinilang ang baby boy ng kanyang ina na si Mary Rose San Jose.

Ang baby ay pinangalanan ni Mary Rose na si John Leon Aldea.

Ayon kay Dr. Ruben Flores, director ng Fabella Memorial Hospital, ang mga new year baby ay tatanggap ng follow up service, package and health services, immunization at new born screening.

Ayon pa kay Dr. Flores, mayroon pang anim ang nagsilang sa pagsalubong ng Bagong Taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply