News blackout sa Amalilio deportation, ipinataw ng DOJ

DOJ

TIKOM na ang bibig ng Department of Justice kaugnay sa usapin ng pagpapadeport pabalik ng bansa sa lider ng Aman Futures Phils. na si Manuel Amalilio na haharap sa kasong syndicated estafa.

Tumanggi na si Justice Secretary Leila de Lima na magbigay ng anumang impormasyon sa media kaugnay sa isyu ng pagpapabalik sa bansa ni Amalilio.

Ayon sa kalihim, hindi niya maaring ibahagi ang impormasyong hinggil sa mga hakbang at prosesong ginagawa ng pamahalaan para mapabalik na ng bansa si Amalilio.

Sinisisi ni de Lima ang media na isa sa naging dahilan umano kung bakit naudlot ang pagsundo kay Amalilio lalo na umano ang pagbabalita mula sa Kota Kinabalu.

Siniguro ni de Lima ang publiko na may mga hakbangin ginagawa ang pamahalaan.

Maging sa isyu ng paglalabas ng reports sa kaso ng Atimonan incident ay wala na rin daw munang maibibigay na impormasyon hinggil sa development nito upang hindi ma-pre empt ang mga hakbang ng NBI, may mga nangyari na daw na ilang developments tungkol sa patuloy na imbestigasyon ng NBI.

Bibiglain na lamang daw si de Lima ni Director Rojas hinggil sa report sa Atimonan incident.

Sa sandaling ilabas daw ng NBI ang Atimonan report, ay tuloy tuloy na ang pagsasampa ng kaso sa dapat na kasuhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply