News blackout sa pag-uwi ni Amalilio oks sa M’cañang

pnoy0

SUPORTADO ng Malakanyang ang panawagan na news blackout sa pagpapabalik sa bansa kay Manuel Amalilio, utak ng Aman Futures pyramiding scam.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, may mga bagay-bagay lalo na ang operational matters ang hindi dapat na itine-telegraph.

Sinabi pa rin ni Sec. Lacierda na hindi malayong magkaroon ng misunderstanding sa isyung ito lalo pa’t kung may sangkot na ibang bansa o nadadawit ang ibang bansa sa kaso.

Nauna rito, ipinaubaya na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Justice (DoJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pakikipag-usap kaugnay sa pagpapabalik sa bansa ni Amalilio.

Sa ulat, sinisisi ng ilang sektor ang media sa pagkakaudlot ng pagpapauwi kay Amalilio makaraang matunugan ang pagsundo rito ng NBI.

Tinuran ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hihintayin nila ang rekomendasyon ng mga kinauukulang ahensya kung kailangang magpatupad ng news blackout.

Aniya, dapat mapag-aralan ang positibo at negatibing epekto ng news blackout sa gagawing negosasyon sa Malaysian counterparts.

Si Amalilio ay sinisikap mapauwi ng bansa para panagutin sa kasong large scale estafa matapos tangayin ang nasa P12 billion investment ng mga kawawang biktima.

“We will defer to the judgment of the DOJ, DILG and DFA on whether a news blackout is necessary to assist its operations,” ang pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply