No. 1 drug pusher naaresto ng PDEA sa Ilocos region

crime7

NAGWAKAS na ang pamamayagpag ng isang kilabot na drug pusher makaaraang maaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa La Union, ulat ng
pulisya ngayon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G Cacdac, Jr. ang suspek na si Bryan Tilles, 25, residente ng Barangay Lioac Norte, Naguillian, La Union. Si Tilles ay iniulat na isa sa pangunahing target ng ahensiya dahil sa pagtutulak ng droga sa Region 1.

Batay sa report, nalaglag sa pain ng PDEA Regional Office 1 sa pangunguna ni Director Jeoffrey Tacio ang suspek makaraang mapagbentahan ng apat na piraso ng shabu ang isang PDEA agent Brgy. Lioac dakong 6:00 ng umaga.

Bukod sa droga, nakumpiska rin ng awtoridad sa pag-iingat ng suspek ang dalawang pirasong markadong P500 bill na ginamit sa pagbili ng droga.

“We had Tilles under tight surveillance for some time because of his involvement in the proliferation of shabu in the municipalities of Naguilian and Bauang, La Union,” pahayag ni Cacdac.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply