Noah’s Paper Mills Inc., wagi na supplier ng ballot boxes

pcos-paper

NAKAPILI na ang Commission on Elections (Comelec) ng kumpanyang magsusuplay at magde-deliver ng ballot boxes na gagamitin sa halalan sa Mayo 13.

Nakasaad sa tatlong pahinang resolusyon ng Special Bids and Awards Committee (SBAC) ng Comelec, na ang kontrata para sa supply and delivery ng ballot boxes ay ibinigay sa Noah’s Paper Mills Inc.

Naunang idineklarang eligible to bid ang nasabing kumpanya na siya ring mayroong pinakamababang bid na P74.9 milyon para sa 30,000 units ng ballot boxes.

Kaugnay nito, inatasan naman ng SBAC ang kanilang Technical Working Group (TWG) na magsagawa ng post qualification evaluation sa Noah’s Paper Mills upang matiyak na makakasunod ang nasabing kumpanya sa mga itinakdang requirements gaya nang pagsuri sa performance nito sa iba pang kontrata sa gobyerno o pribado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply