NOW IS THE TIME TO DO THE RIGHT THINGS

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

WALANG matinding kalaban ang mga mayor at congressman namin sa Marikina. Panay nuisance candidates.

Ang ibig sabihin nito, walang hadlang sa paggawa ng tama dahil di dapat katakutan ang maaaring epekto nito sa boto galing sa mga botante.

May kasabihan tayong mga Filipino na, “eleksyon ngayon eh” kaya’t inaasahan natin na lalaro ang mga kandidato sa gusto ng mga botante. Ano? Kahit mali pa ito?

Sa kasamaang palad … opo.

Nakasanayan na nga natin na maluwag ang implementasyon ng batas kapag may eleksyon. Maihahambing ito sa isang buntot na siyang nagwawagwag ng aso. The tail wagging the dog instead of the other way around. Mali po, di ba?

Tapos, sasabihin natin na mangmang ang mga botante? Na mababaw at immature ang electorate natin? Eh, sino ba ang may pagkakataon na itaas ang antas nito?

Sino ba dapat ang naghahatak pataas sa mga botanteng ito?

Kaya’t welcome development at kakaiba ang marching orders ni Mayor Del R. De Guzman sa mga department heads na “pairalin ang batas ng walang kinikilingan at walang kinatatakutan!” Binigyan diin pa ito sa susunod na sinabi niya, “Andito ako sa likod n’yo!” Natuwa ang mga department head dahil first time itong binitawan ni Mayor Del sa publiko.

Pagkatapos naman ay hiniling ni Mayor Del sa kanyang mga suporter na manguna sila sa pagsunod sa mga ordinansa at batas.

Sinundan pa niya ito ng deklarasyon na wala ng padrino system sa Marikina. Marami kasi ang mga offender na nagmamalaki na “malakas kami sa munisipyo” at lalapit sa mga politiko para ipadrino sila sa mga enforcer ng traffic, city veterinary office, environmental office, OPSS, atbp.

Marahil, mali ang pagkakaintindi nila sa “Tunay na Kaunlaran, Tao Naman” slogan at inabuso nila ito.

Magandang subaybayan ang mangyayari sa Marikina kung papaano ipatutupad ang “compassionate but firm enforcement” ng batas at kung mangunguna nga ang mga supporter ni Mayor Del sa pagsunod sa mga ordinansa at batas.

Kung sakali, ang magiging legacy ni Mayor ay napasunod nya ang mga Marikenyo at nailabas niya ang kahusayan nila dahil sa respeto ng mga ito sa kanya – at hindi dahil sa takot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply