Obispo kay PNoy: Mga baril isurender

bishop-oscar-cruz

HINAMON ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang Pangulong Benigno Aquino na pangunahan ang pagsurender ng mga baril.

Ayon kay Archbishop Cruz, dapat maging mabuting halimbawa sa lahat ng mga Filipino ang pangulo sa usapin ng ‘loose firearms’ sa bansa.

Aniya, isang ‘gun enthusiasts’ at itinuturing na ama o lider ng bansa si Aquino kaya hindi maiiwasang masangkot ito sa isyu na may kinalaman sa baril.

Pinayuhan din ng Arsobispo maging ang gabinete ng Pangulo na i-surrender din ang kanilang mga baril.

Gayunman, duda si Archbishop Cruz kung kaya itong gawin ng Pangulong Aquino at kanyang mga kabarilan.

“Hindi maaaring hindi siya isangkot dahil siya ang nandyan. Siya ang lider ng bansa. Basta’t Presidente ka sangkot ka sa lahat ng bagay. Kung ayaw mong masangkot umalis ka dyan!

Sa kanyang pagka-presidente siya dapat ang maging mabuting halimbawa at mangunguna!

Kapag isinuko niya ang kanyang mga baril, I mean lahat ng kanyang baril. Ewan ko kung ilan ang lahat? Yung kanyang kasama rin si Llamas, ilan yung lahat? Kung gagawin niya yun maganda. Ang tanong, gagawin kaya?”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam sa radyo.

Kaugnay nito, suportado  naman ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles Ramon Arguelles ang mga panukala na nagsusulong ng total gun ban sa bansa.

Gayundin, hinamon rin ni Arguelles ang pamahalaan na lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa droga at mga bisyo maging ang paglilinis sa hanay ng mga pulis at mga opisyal ng pamahalaan na kung minsan sila pa ang nangunguna sa karahasan at katiwalian.

Ginawa ng Arsobispo ang pahayag matapos mapatay ang 8-katao habang 9 ang sugatan ng pagbabarilin ng dating barangay tanod na sinasabing lasing at lulong sa droga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply