Obispo sa lawmakers: Wag pa-impluwensya

father-melvin-castro

UMAPELA sa mga justices ng Mataas na Hukuman ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na huwag silang magpaimpluwensiya sa Malacanang hinggil sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) law.

Ito’y kasunod nang inihaing unang petisyon sa Korte Suprema ng mag-asawang James at Lovely Imbong na kilalang mga pro-lifers laban sa RH law.

Kasabay nito, umapela si Fr. Melvin Castro, executive secretary ng CBCP- Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), sa mga mahistrado na maging objective at mapagnilay sa gagawing desisyon hinggil sa inihaing petisyon laban sa RH law.

Umaasa rin si Castro na kilalanin ng mga mahistrado ang Saligang Batas at ang mga proceedings ng constitutional provisions ng 1986 constitution.

Aniya, maliwanag na nakasaad sa Saligang Batas na ang layunin ng mga probisyon tungkol sa pamilya at buhay ay proteksyunan at pangalagaan ito sa bawat hakbang ng buhay mula sa conception at natural death at maging ang pangangalaga ng estado sa kasagraduhan ng kasal.

Iginiit pa ng pari na hindi maiwasan ng publiko na magduda sa kredibilidad ng ilang miyembro ng Supreme Court lalo na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa appointed siya ni Pangulong Benigno Aquino III.

“Tayo’y nananalangin at umaasa sa mga mahistrado ng Korte Suprema na maging very objective sila at tingnan nila,” ani Castro, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Hindi maiwasan ng publiko na magduda sa kredibilidad ng ilan sa ating mga mahistrado lalo na si CJ Sereno dahil appointed siya ng pangulo,” aniya pa. “Tayo po ay umaasa na tutuparin nila ang sinumpaang tungkulin na mananatili silang objective at kanilang poproteksyunan ay ang konstitusyon at kung anuman ang labag sa saligang batas ay huwag nilang pahintulutan na maging ganap na batas.”

Kaugnay nito, naniniwala ang pari na dadagsain pa ng maraming reklamo o petisyon ang RH law sa Korte Suprema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply