Obispo: Tuwid na daan ni PNoy, slogan lang

bishop-pabillo

MANANATILING “slogan” na lamang ang tuwid na daan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang binigyan diin ni CBCP-NASSA chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo matapos na hindi maisabatas ang Freedom of Information bill na mabagal na umuusad sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ipinagtataka ng obispo na malamig si Pangulong Aquino sa FOI bill gayong isinusulong nito ang tuwid na daan at good governance.

Ayon sa obispo, ang FOI ay para sa matuwid na daan at transparency na ipinagyayabang ni Pangulong Aquino.

Naniniwala si Bishop Pabillo na mabisang sandata para masawata ang laganap na anomalyang nagaganap sa alinmang ahensya ng pamahalaan kapag naging batas ang FOI.

Ang pagsasabatas aniya sa FOI ay matagal nang isinusulong ng Simbahang Katolika at matagal ng adbokasiya ngunit nakabinbin pa rin ito sa Kongreso.

Sinabi ni Bishop Pabillo na kung mayroong transparency ay maiiwasan at matutuldukan na ang katiwalian at laganap na pagwawaldas ng pera ng bayan.

Ikinatatakot pa ni Bishop Pabillo na mag-“back to zero” ang FOI bill dahil tatagal lamang ng 9 na araw ang 15th Congress na muling magbubukas sa Martes, ika-22 ng Enero, 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply