Official box office results ng 2012 MMFF (Dec 25-Jan 1)

38th-MMFF-logo

NANGUNGUNA pa rin ang ‘Sisterakas’ nina Kris Aquino, Vice Ganda at Ai-Ai delas Alas.

Ito ay ayon sa official box office results ng 2012 Metro Manila Film Festival na ipinalabas ng festival committee mula sa walong araw na pagpapalabas ng mga entry sa mga sinehan nationwide simula December 25 hanggang January 1.

Nananatili sa top spot ang comedy movie ng Star Cinema na idinerehe ni Wenn Deramas.

Narito ang top 4 (Dec 25-Jan 1):

1. Sisterakas – Php 231.9 million
2. Si Agimat, Si Enteng at Si Ako – Php 104.5 million
3. One More Try – Php 91.3 million
4. Shake Rattle and Roll XIV – Php 34.6 million

As of January 1 din ay may total gross na ang MMFF ng Php 512.9 million.

Ayon sa komite, ito ay mas mataas ng 5 porsiyento kung ikukumpara sa box office tally sa kaparehong period.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply