OFW, bayaw nahaharap sa kasong kidnapping

NBI-2

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) at bayaw nito dahil umano sa pagkidnap sa 5-anyos na batang babae na anak ng boyfriend ng una sa Valenzuela City.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng NBI ang suspek na si Myra Suba-Magalang, 28, isang caregiver sa United Arab Emirates (UAE) at bayaw nitong si Angelito Cedeno-Magalang, kapawa residente ng Bible St., Simeon Doon compound, Karuhatan, Valenzuela City dahil sa reklamo ni Kerwin Escanilla.

Lumalabas sa imbestigasyon ng NBI, naging magsyota si Myra at Kerwin sa pamagitan ng Facebook at nitong January 10, 2013 ay umuwi si Myra mula sa UAE.

Nang sumunod na araw ay nagkita ang dalawa at noong January 13 ay ipinakilala ni Kerwin kay Myra ang dalawa nitong anak at mga magulang.

Inimbitahan naman ni Myra ang 5-anyos na batang anak ni Kerwin na matulog sa kanilang bahay na pinayagan naman ng huli.

Kinabukasan ay nag-away sina Kerwin at Myra nang sitahin ng una ang huli hinggil sa dati nitong boyfriend kaya pinapauwi na ito ang kanyang anak.

Tumanggi naman si Myra at nagbanta na papauwiin lamang nito ang anak ni Kerwin kung magbabayad siya ng halagang P3,000 na kanyang ginastos sa pagpapakain ng kanyang anak.

Nagkasundo ang dalawa na magkikita sa palengke sa Karuhatan, Valenzuela, City subalit ligid sa kaalaman ng babae ay humingi ito ng tulong sa NBI.

Dumating si Myrna sa nasabing lugar sakay ng tricycle na minaneho ng kanyang bayaw at sa puntong iniaabot ni Kerwin ang pera kay Myra kapalit ng kanyang anak na babe ay inaresto ang huli.

Kasong kidnapping at failure to return a minor sa ilalim ng Art. 270 ng Revised Penal Code ang isinamang kaso laban kay Myra at bayaw nito sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply