Oil companies nagpatupad ng rollback

oilprice

NAGPATUPAD ng kaltas-presyo sa produktong petrolyo ang kompanya ng langis ngayong Lunes (January 21).

Epektibo kaninangh alas-12:01 ng madaling araw, nagkaltas ng P0.45 sa presyo ng kada litro ng premium at unleaded gasoline ang Petron, Seaoil at Shell.

Samantala, nagbawas ng P0.55 kada litro sa Pinoy at regular gasoline, P0.25 sa diesel at P0.20 sa kerosene.

Kasabay nito, nagpatupad rin ng rollback ang Phoenix Petroleum.

Nagtapyas din ang Unioil ng P0.25 sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel at P0.55 sa premium at unleaded gasoline.

Maliban sa  parehong presyo sa diesel, mayroon ding P0.45 sa kada litrong rollback sa Premier at Protec Gasoline at P0.55/litro sa regular gasoline ang Total pagpatak ng alas-6:00 ngayong Lunes ng umaga.

Magugunita na nauna ng nag-rollback sa presyo ang Flying V nitong Sabado.

Ito’y kasunod na rin ng pagbaba ng presyuhan ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply