One Vote, ika-3 citizen’s arm ng Comelec

comelec

INAPRUBAHAN ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang aplikasyon ng grupong One Vote para maging citizen’s arm ng komisyon para sa May 13 midterm elections.

Nabatid na nitong Oktubre 22 nang ihain ng One Vote ang kanilang aplikasyon na humihiling na maging citizen’s arm sila ng poll body sa nalalapit na halalan.

Dahil dito, tatlo na sa ngayon ang citizen’s arm ng Comelec.

Matatandaang una nang binigyan ng akreditasyon ng Comelec ang church-backed poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ang National Movement for Free Elections (Namfrel).

Bilang citizen’s arm, inaasahang makatutuwang ng Comelec ang PPCRV, Namfrel at One Vote sa pagbabantay sa halalan upang matiyak na magiging tapat ito, payapa, malinis at mapagkakatiwalaan.

Tutulong din sila sa pag-asiste sa mga botante, partikular na sa mga senior citizen, persons with disabilities, mga buntis, detainees, indigenous people at iba pang miyembro ng vulnerable sectors, sa mismong araw ng halalan.

Inaasahan ng Comelec na tutulong din ang mga ito sa kanilang voters’ information at education drives sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply