Online campaign gimmicks ire-regulate na ng Comelec

comelec-commissioner-jimenez

MAGING ang mga ‘online campaign gimmicks’ ng mga kandidato para sa May 13 midterm elections ay ire-regulate na rin ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang nakasaad sa Comelec Resolution No. 9615, na na-promulgate ng Comelec nitong Enero 15, 2013, at ngayon lamang ipinaskil.

Batay sa 29-pahinang resolusyon, isinama na ng poll body ang “online election propaganda” bilang mga campaign medium na dapat kontrolin o limitahan tulad ng television, print at radio advertisements.

Papayagan lamang umano ng Comelec ang online propaganda na maipaskil ng tatlong beses sa isang linggo para sa bawat website sa panahon ng campaign period.

Ikukonsidera umanong isang publikasyon na ang pag-display ng isang online campaign, gaano man ito kahaba, sa loob ng 24-oras.

Papayagan rin umano ang online advertisements tulad ng pop-ups, rectangles, banners, buttons, at skyscrapers at isinaad ang tamang sukat ng mga ito.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ito ang unang pagkakataon na ire-regulate ng Comelec ang online campaign gimmicks.

Ipinaliwanag ni Jimenez na kailangang i-regulate ang online campaigning dahil gumagastos rin naman para dito ang mga kandidato.

Gayunman, inamin ng Comelec official na hindi nila ito tuluyang mare-regulate dahil may mga ‘puwang’ din aniya tulad na lamang ng sa Facebook at Twitter.

“Hindi mo na nga ire-regulate completely kasi siyempre may mga puwang, especially Twitter, Facebook,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply