ONORABOL NA MGA BUWAYA AT BUSISIIN SI COL. MARANTAN

burdado- jun briones

NAGKABISTUHAN na kung gaano kalaking halaga ang napupunta sa bulsa ng hinayupak na mga mambabatas.

Ibinulgar ni Sen. Miriam Santiago na noon lamang Disyembre ay milyones ang nilunok ng mga buwaya!

Sa Senado, mahigit milyon ang pamasko sa bawat nakakurbatang buwaya!

At kaya lang may umalma, parekoy, dahil hindi pantay ang hatian.

Nabisto rin na maging sa Kongreso ay milyones ang nilamon ng mga buwaya!

‘Yan, parekoy, ay sa kabila ng kanilang madalas na pangungusap na kunyari masyadong concerned ang mga letseng ito sa kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan!

‘Yun pala, habang walang kinakain ang sambayanan ay bundat ang mga animal! Pwe!

Matapos mabisto, parekoy, itong pinagtatalunan ngayon na milyones na nilaspag para sa kagulang-gulang na mga senador ay biglang nagsalita si Sen. Tito Sotto. “Maging Senate President muna kayo para gawin naman ninyo ang gusto ninyo.”

Ha? Tangna, parekoy, akala mo ba Sen. Sotto na kaya namin kayo niluklok d’yan para gawin ninyo ang anomang gustuhin ninyo? Ganun ba?

Asus kabobo! Niluklok kayo r’yan para gumawa ng batas at hindi para magwaldas! Pwe!

-o0o-

Pilit ikinakaila ni Col. Hanzel Marantan na walang awa nilang minasaker ang 13 katao sa isang checkpoint sa Atimonan, Quezon kamakailan lang.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng mga sundalo at pulis sa pangunguna ni Col. Alfredo Consemino at ang gambling operator ng Laguna na si Vicente “Vic Siman” Atienza.

Bago mo pabulaanan Col. Marantan na sadya ninyong pinagpapatay ang mga biktima ay sagutin mo muna ang mga katanungan ko.

Hindi ba totoong nasa 40 na katao  ang pinatay  mo nang walang kalaban laban?

Hindi ba totoong sobra ang galit mo kay Vic Siman dahil kinasuhan ka niya sa Ombudsman dahil sa pagpatay sa kanyang mga tauhan?

Hindi ba totoong magkaribal sa sugal si Vic Siman at ang iyong kapatid?

Opps, huwag ka munang sasagot na lintek ka!

Sino itong gambling operator sa Laguna na si Cenen “Tita” Dinglasan? Kung ako sa iyo, Col. Marantan, ay magdasal na ako sa santong bungi dahil malapit ko nang pagbayaran ang mga utang ko! Amen!!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply