OPERATIONAL PLAN FOR MANILA BAY COASTAL STRATEGY

hilda-online-logo

ANG DBM ang nag-aapruba ng budget para sa programa ng Operational Plan for Manila Bay Coastal Strategy (OPMBCS).  Binigyang diin ng DBM ang kahalagahan ng paghahanda ng Multi Year Obligation Allotment (MYOA).

Isang kinatawan mula sa Philippine Ports Authority (PPA) ang magbigay ng suhestyon na ang natatanging budgeting scheme ang dapat maibigay sa pagsasaayos ng Manila Bay upang ang pondong ito ay hindi mapunta at makuha ng pangkabuuang budget ng ahensya bagkus ito ay gagastusin ng lehitimo para sa buong Manila Bay lamang.

Ang kautusan ng PNP – Maritime ay patigilin ang lahat nang nagtatapon sa karagatan, industrial sludge, oil, grease, solid waste at kontaminadong dredged materials pagsapit ng 2018.

Hiniling ni Manila Bay Coordinating Office (MBCO) Executive Director Noel Antonio Gaerlan ang pagsasama sa baseline data bilang bahagi ng plano. Ayon sa kanya, magpapakita ito kung gaano ka-epektibo ang PNP – Maritime sa pagpapatupad ng kanilang kautusan. Ipinaliwanag pa ng direktor na ang baseline data o mahalagang targets ang magiging basehan ng supreme court sa pag-unlad ng ahensya sa pagpapatupad ng batas sa pag-asenso nito sa mga taon pang darating.

May mga suhestiyon din na ang dapat ay documented (i.e photo operations, press releases) upang lalong tumaas ang katotohanan sa mga pag-uulat. Ayon sa sinabi ng Marina at PPA halos lahat ng kanilang naipatupad na aktibidad ay responsibilidad ng PCG. Pinatutunayan ng MARINA na ang mga pangunahing responsibilidad nila ay ang imbentaryo ng mga barko sa kanilang pansistemang seguridad bilang pagtupad sa MARPOL (ISM/NSM code) gayundin ang pagkilala sa environment friendly paints at anti-fouling chemicals para sa lahat ng barko at bangka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply