OPH sa unang araw ng 2013, isang masamang pangitain -Kadamay

KINONDENA ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay ang panibangong oil price hike (OPH) sa unang araw ng taong 2013.

Ayon sa grupong Kadamay, isang umano itong masamang pangitain na naghuhudyat ng kalbaryong daranasin ng sambayanang Pilipino sa taong 2013.

Sa ganap na alas-6 ng umaga bukas, natakdang magtaas ang Pilipinas Shell ng 75 sentimo kada litro ng premium and unleaded gasoline, at 65 sentimo naman kada litro ng regular gasoline. Trenta sentimo din ang itataas ng Shell kada litro ng kerosine habang 20 sentimo naman ang itataas kada litro ng diesel.

Inaasahan ding magtaas ng presyo ang iba pang kartel ng langis kasunod ng anunsyo ng Shell.

Ayon kay Gloria Arellano, pambansang tagapangulo ng Kadamay, nagpapakita lamang ang oil price hike sa unang araw ng taon ng walang habas na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin sa taong 2013 habang nagpapatuloy ang malawak na kawalang trabaho at mababang sahod ng mga mamamayan.

Dagdag pa ng lider, walang pag-alwan sa buhay sa mararamdaman ang ordinaryong Pilipino sa ilalim ng administrasyong Aquino hangga’t nagkikibit-balikat ito sa walang humpay na pagtaas ng produktong petrolyo.

Ngayong bagong taon, dapat umanong magbago na ng patakaran sa ekonomiya ang administrasyong Aquino upang maipagtanggol ang interes ng ordinaryong mamamayan at hindi ng mga dayuhan at lokal na kapitalista.

Isang New Year’s Wish din umano ng mga maralita kay Pangulong Aquino na tiyakin nito ang pagbasura sa Oil Deregulation Law na umano’y nasa likod na walang kontrol na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply