Opisina ng NCRPO, pinasok ng kawatan

camp-bagong-diwa

MAGING ang isa sa opisina ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay hindi nakaligtas sa mga kawatan nang pasukin ang Information Technology Office (ITO) at limasin ang laman ng locker ng ilang mga pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang nangyaring nakawan noong Martes ng umaga matapos pumasok sa naturang tanggapan si PO1 Alexander Po, 32, at nakita ang wasak na pintuan ng kanyang cabinet locker, pati na ang locker ng kanilang hepe at iba pang kasamahang pulis.

Sa isinagawang imbestigasyon nina PO3 Ruchyl Gasid at PO2 Alberto Canonigo, Jr. ng Station Investigation ng Taguig police, natangay ng mga suspek sa locker ni PO1 Po ang nakaisyu sa kanyang baril na kalibre .9mm Beretta, personal na baril na kalibre .45, rubber shoes at laptop na pag-aari ni Insp. Jay Walter Santiago, hepe ng ITO, isang electric shaver na pag-aari ni PO1 Danilo Dayog at isang projector na pag-aari ng tanggapan ng Information Technology.

Wala umanong palatandaan na puwersahang pinasok o winasak ang main door papasok sa naturang tanggapan kaya malaki ang hinala ng pulisya na nagdaan ang mga suspek sa pinaglalagyan ng air condition sa stock room ng tanggapan ng Regional Director na nasa tabi lamang ng ITO.

Ito’y matapos ihayag ng helper ng Regional Director na si Condordio Antipona, 26 sa mga imbestigador na ipinaayos ang naturang air condition noong araw ng Lunes sa isang Danilo Palconit, empleyado ng Zephyr Industrial Corp. na may tanggapan sa Pembo, Makati City.

Aminado naman ang pulisya na aalamin pa nila kung may kinalaman sina Antipona at Palconit sa naturang nakawan matapos mabigong makakuha ng latent fingerprint sa stock room bagama’t may ilang fingerprint na nakalap ang Scene of the Crime Operatives sa locker ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply