Opisina ni Cebu Gov. Garcia ikinandado na

gwendolyn-garcia-2

IPINASARA na ni Cebu acting Governor Agnes Magpale ang opisina ni suspended Gov. Gwendolyn Garcia makaraang lumabas ito para dumalo sa isang event kagabi.

Mismong mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nanguna sa kautusan ni Magpale.

Lumalabas na nagtungo ng Oslob City si Garcia para sa pagpapasinaya ng isang training center na sinamantala naman ng awtoridad para maisara ang opisina nito.

Matatandaang halos isang buwan ding nanatili sa kapitolyo si Garcia nang hindi nito tanggapin ang suspensyon na ibinaba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply