Opisyal na balota ‘di basta-basta mapepeke

comelec-chair-brillantes

HINDI basta-basta mapepeke ang mga opisyal na balota na gagamitin sa May 13 midterm elections.

Ito ang tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr. kasunod nang nalalapit na pagsisimula ng paglilimbag ng mga balota sa Pebrero 4.

Ayon kay Brillantes, marami silang safeguards na inilagay sa balota, na gawa mula sa imported na papel, upang matiyak na hindi ito mapepeke.

Kabilang sa mga naturang safeguards ay ang UV light at bar code na inilagay sa bawat isang balota.

May dalawa pa umanong security feature na idinagdag ang Comelec sa balota ngunit hindi na ito isiniwalat pa sa media.

Samantala, siniguro rin ng poll body na kasado na ang lahat para sa pag-iimprenta ng official ballots.

Sa isinagawang ribbon cutting ceremony sa tanggapan ng National Printing Office (NPO), pormal na ipinakita ng NPO kasama ang mga opisyal ng Comelec ang lugar kung saan gagawin ang pag-iimprenta ng mga balota at mga makinang gagamitin dito.

Target ng NPO na makapag-imprenta ng isang milyong balota kada araw.

Nabatid na ang kabuuang ililimbag na balota ay 52,017,360 na ayon sa NPO ay posibleng tumagal ng 65 araw.

Para mapawi naman ang pangamba na hindi basahin ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines ang balotang iimprenta, ang bawat isang balota ay ite-test ng tatlong ulit sa may 156 PCOS machines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply