Opisyal ng barangay, patay, 1 sugatan nang paulanan ng bala

crime9

TODAS ang opisyal ng barangay habang sugatan ang isa pang kalugar nang pagbabarilin ng apat na hindi pa kilalang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City kahapon, Enero 9.

Dead on arrival sa Tala Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Yusop Domato, 52, ng Phase 12 at Executive Officer ng Barangay 188 ng lungsod.

Ginagamot naman sanhi ng tama ng bala sa kaliwang paa si Glorioso Lupis, 62, at kalugar ng nasawi.

Batay sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, nasa bakuran ng kapitbahay si Lupis nang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin.

Nang malaman ni Domato ay agad na rumesponde kasama ang dalawang tanod subalit pinagbabaril rin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklong hindi na nakuha ang mga plaka habang dinala naman ang mga biktima sa TH.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaril at kung sino ang mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply