Orcollo, Amit at Rañola kinalos ni Ilagan

amit

NAGING malaking palaisipan sa Philippine Billiards fans kung bakit hindi inendorso ni Billiards chief Arturo Ilagan sina Dennis Orcollo, Rubilen Amit at Irish Rañola para makasama sa 2013 training pool ng national team.

Nagpadala ng liham si Ilagan sa PSC nakaraang Disyembre 26 na nagsasabing aalisin sina Orcollo, Amit at Rañola bilang national player sa billiards at papalitan ng mga bagong pangalan na wala pang masyadong karanasan sa international competition..

Kasama sa mawawala sa tatlong matitikas na bilyarista sa bansa ay ang kanilang matatanggap kada buwan.

Dahil sa nasabing aksyon ay nais ni Philippine Sports Commission, (PSC) chairman Ricardo Garcia na gumalaw agad ang Philippine Olympic Committee, (POC) para maagapan ang posibleng magiging isang malaking problema sa nasabing sport.

Ayon kay Garcia, hindi pa niya nababasa ang sulat at para sa kanya ay hindi ito magandang desisyon.

Sina Orcollo at Rañola ay nakapag-uwi ng ginto sa 2011 Indonesia SEAG.

Si Rañola ay kampeon sa 8-ball at 9-ball sa kababaihan habang defending champion sa 8-ball si Orcollo sa kalalakihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply