OVERACTING SA USS GUARDIAN

ito-ang-totoo-colored

WALANG duda na may pinsala sa Tubbataha Reef ang pag-sadsad doon ng US anti-mine ship USS Guardian, may 10 metro umano ng corals ang nasira, ayon sa World Wide Fund for Nature Philippines (WWF-Philippines).

Ngawa rito, ngawa roon ang iba’t ibang sektor na may para sa pulitika, merong makabayan daw kaya galit sa kahit sinong Amerikano, may mga grupo naman na nagpapalakas para makahingi  ng pondo sa mga foreign institution.

Ito ang Totoo: mahigit 97 hektarya ang Tubbataha Reefs Natural Park, halos isang bilyong square meters.

Ibig sabihin, ni hindi makapupuwing ang liit ng 10 metro na umano’y nasirang bahagi ng Tubbataha Reef sanhi ng pagkakasadsad ng USS Guardian kumpara sa kabuuan nitong mahigit 970,300,000 square meters.

Nagpahayag na ng pagsisisi si United States Navy 7th Fleet Commander Vice Adm.

Scott Swift at mababayaran naman ang pinsala tulad ng ipinataw sa Greenpeace noong 2005 nang sumadsad din sa Tubbataha Reef ang barko nito.

Ito ang Totoo: wala namang ngaw-ngaw sa kalsada, sa Kamara, Senado at media noong 2005 nang sumadsad ang barko ng Greenpeace sa Tubbataha, pero ngayon, maraming OA at kanya-kanyang sakay sa USS Guardian isyu.

Malaking bagay na walang langis na tumatagas sa USS Guardian kaya ang pinsala ay mismong sa coral reef lang na tutubo naman ulit, medyo may katagalan nga lang.

Pero sa liit ng bahagi ng Tubbataha Reef na napinsala, kahit ma-doble o triple sakaling lumala pa, hindi na kailangan maging matalino para maintindihan na walang negatibong epekto ito sa pangkalahatang kalagayan ng naturang World Heritage Site.

Sumahin po natin, mahigit 970,300,000 square meters ang Tubbataha Reefs Natural Park at ang nasira sa ngayon ay may 10 metro lang.

Malinaw naman sa pahayag ng US Embassy sa Manila na parating sa Subic Bay Freeport ang USS Guardian noong Enero 12, 2013 para sa isang araw na pagbisita, na Palawan ang sunod nitong destinasyon. Ito ay isang paliwanag kung bakit naroon ang barko ng Amerikano. Ito ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply