P.2-M reward inilabas ni Recom vs killer ni Stephanie Nicole

katarungan

NAKAHANDANG magbigay ng P200,000 reward si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa sinumang makapagtuturo sa taong nagpaputok ng baril at nakapatay sa pitong taong gulang na batang si Stephanie Nicole Ella habang ito ay nanood ng mga pailaw sa labas ng kanilang bahay noong kasagsagan ng pagsalubong sa bagong taon.

Naniniwala si Echiverri na sa pamamagitan ng pagbibigay ng reward sa makapagsasabi kung sino ang nagpaputok ng baril ay mas mapadadali ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng iresponsableng gun owner na walang habas na nagpaputok ng baril sa gitna ng kasiyahan.

“Kung ang pagbibigay ng reward ang makatutulong sa atin para mabigyan ng katarungan si Stephanie Nicole ay gagawin natin dahil ayaw nating maulit pa ang ganitong klaseng pangyayari”, sabi ni Echiverri.

Ayon pa kay Mayor Recom, hindi sila titigil hanggang hindi natutukoy ang pagkakakilanlan ng taong may kinalaman sa pagkamatay ni Stephanie Nicole na pinaniniwalaang malapit lamang ang tinitirhan sa bahay ng biktima.

Sinabi pa ng alkalde na kahit na sino pa ang taong mapatutunayang nagpaputok ng baril at nakapatay sa biktima ay hindi sila mangingiming sampahan ito ng kaukulang kaso upang mabigyan ng katarungan si Stephanie Nicole.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply