P1.2 T nakolektang buwis ng BIR sa 2012

bir-tax

UMABOT na sa P1.2 trillion ang target tax collection goal ng Bureau of Internal Revenue ngayong taong 2012, mas mataas kung ihahambing sa nakaraang goal na P1.006 trillion noong 2012.

Kumpiyansa si BIR Commissioner Kim Henares na kaya pa rin ng Large Taxpayers Service, mga regional directors at mga revenue district officers na kulektahin ang napakataas na tax collection goal.

Si Henares ang kauna-unahang trillionaire commissioner sa kasaysayan ng Rentas Internas matapos nitong makulekta ang P1 trillion taxes mula buwan ng Enero hanggang Disyembre noong nakaraang taong 2012.

Sa kabila ng ipinamalas na magandang tax collection performance ni Henares, pumalag naman sa kanyang policy ang mga non-duty personnel o mga opisyal ng BIR na nasa ‘freezing capacity’ dahil sa anila’y umiiral na ‘palakasan,’ ‘padrino’ at ‘bata-bata system’ sa pagpapatuloy ng ‘regodon’ para malagyan ng  tamang tao ang mga bakanteng posisyon at mabigyan sila ng pagkakataong makabalik sa kanilang puwesto.

Ito ay matapos italaga ni Henares ang kanyang dating chief of staff na si Jethro Sabariaga  na ang papel na ginagampanan ay OIC-assistant regional director sa Quezon City, OIC-revenue district officer at OIC-assistant revenue district officer  din  sa QC Novaliches District Office – bukod pa sa pagiging concurrent technical assistant sa Office of the Commissioner.

Binansagang ‘Supe Boy’ sa BIR – si  Jethro na umano’y inaanak sa kasal ni Henares – ang kauna-unahang opisyal sa kasaysayan ng BIR na humahawak ng apat na sensitibong posisyon na isang paglabag sa Civil Service rules at posibleng maging kumplikado sa mga pinipirmahan nitong mga official documents sa magkakaibang posisyon at designasyon.

Gamit umano ang kanyang mga luxury cars – si Jetro ay pumamasok sa umaga sa QC BIR regional office bilang assistant director, sa tanghali ay OIC RDO-ARDO sa QC Novaliches District Office at sa bandang hapon naman ay sa BIR national office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply