P125 wage bill may tsansang maipapasa sa 15th Congress

125

MALAKI ang posibilidad na maihabol pa ngayong 15th Congress ang deliberasyon sa P125 Legislated Wage Hike Bill sa plenaryo ng Kamara.

Ang panukalang across-the-board na umento ay nauna ng naaprubahan sa sub-committee on Labor standards ng House Labor Committee sa isinagawang pulong sa Baguio City nitong January 18 lamang.

Ani, Northern Samar Rep. Emil Ong, chairman ng komite na maituturing aniyang “good as approved” na ng mother committee ang panukala at kailangan na lamang ipasok ang mga kailangang amiyenda.

Banggit pa ng kongresista na may ilang lobby ang sektor ng mga negosyante para ibaba sa P50 hanggang P60 pesos ang legislated wage increase para sa mga kumpanyang daan-daan o libo ang bilang ng mga empleyado.

Kasabay nito ay inamin ni Ong na napapanahon aniya ang mga ganitong legislated wage increase lalo na sa mga lalawigan dahil mas mababa doon ang minimum wage pero karaniwang mas mataas ang presyo ng marami sa mga pangunahing bilihin.

Bagama’t siyam na araw na lamang ang sesyon ng mga mambabatas bago ang kampanya, tiwala si Ong na kakayaning iakyat at ipasa sa plenaryo ang legislated wage hike bill.

Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin aniya naaaprubahan ng Senado ang bersiyon ng panukalang ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply