P13M lotto jackpot kinubra na

lotto-winner

PERSONAL nang kinuha ng 40-anyos na binata ang mahigit P13 milyong jackpot prize na solo niyang napanalunan sa 6/42 lotto na binola noong Enero 24 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Mula pa sa lalawigan ng Isabela ang mapalad na mananaya na isang kawani sa isang surveying firm kaya kanina lamang niya nakubra ang kabuuang premyong P13,641,613.20 na katumbas mula sa kinuha niyang kombinasyong 34-41-12-24-33-19 mula sa tayang P20.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, kinuha ng binata ang mga tinayaang numero sa petsa ng kapanganakan ng kanyang mga pamangkin na naiwan sa kanyang pag-aaruga ng namayapang kapatid.

Bukod sa pagpapaaral sa mga pamangkin, plano ng masuwerteng mananaya na magtayo ng sariling negosyo at bumili ng sarili nilang bahay at lupa mula sa napanalunang salapi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply